Balance Piston sa Mindanao, tinututulan ng grupong KAWAGIB
Bai Ali Indayla | 0905.924.8424 | kawagibphils@yahoo.com |
Lungsod ng Cotabato – Mariing tinututulan ng grupong KAWAGIB ang inilulunsad na pagsasanay militar ng mga sundalong Pilipino at sundalong Amerikano sa Camp Siongco, 6th Infantry Division, Maguindanao na tinatawag na Balance Piston ’11-03. Noong Setyembre 01 dumating ang sampung opisyal ng tropang kano sa pangunguna ni Capt. Brent Olson na maglulunsad ng pagsasanay sa loob ng labing limang araw.
Ayon kay Bai Ali Indayla, tagapagsalita ng grupo “mariin naming tinututulan ang patuloy na paglulunsad ng Balance Piston at Balikatan Exercises lalo na sa Mindanao dahil nagdulot ito ng mga paglabag sa karapatang-pantao na mismong mga tropang kano ang may kagagawan na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya”.
Ani Indayla ”ilan lamang sa mga kasong ito ang pamamaril sa mga sibilyan na napagkamalang terorista tulad ni Buyung-buyong Isnijal sa Basilan na nabaril ni Sgt. Reggie Lane. Nitong Desyembre ng nakaraang taon sa ilalim ng rehimeng Aquino ay ni-raid ng mga pulis at tropang kano ang Brgy. Upper Sampunay, Parang, Sulu, hinuli at illegal na ikinulong ang 45 katao kasama ang 4 menor de edad at 8 kababaihan, binugbog sila at pilit kinunan ng litrato at pinag-thumbmark pa ng mga tropang kano. Matapos silang ikulong buong araw ay pinakawalan din ang mga sibilyan at saka nila napag-alaman na ang ginawa sa kanila ay bahagi ng Balikatan exercise ng mga pulis at tropang kano at sila ang pinagpraktisan ng mga ito”.
Dagdag pa ni Indayla, “hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyang linaw ang misteryosong pagkamatay ni Gregan Cardeno noong Pebrero 2010, isang interpreter ng mga tropang kano sa Campo Ranao, Marawi City. Si Cardeno ay natagpuang patay sa loob ng baraks ng mga tropang kano at may mga pasa sa kanyang katawan. Maging ang kanyang pamilya ay naniniwala na siya ay posibleng biktima ng pang-aabuso at torture ng mga tropang kano at ang kanyang pamilya ay nananawagan rin ng hustisya”.
Hindi rin kumbinsido ang Kawagib na pawang pagsasanay lang ang ginagawa ng mga tropang kano sa Mindanao. Ayon pa kay Indayla, “gamit ang mga abanteng kagamitan ng US sa paniniktik o intelligence tulad ng mga spy planes at tracking devices ay nangangalap ang mga ito ng impormasyon at mahahalagang datos para sa kontra-insurhensyang kampanya nito at ng gobyerno”.
Nangangamba rin ang grupo sa posibleng maging implikasyon ng presensya ng mga tropang kano ngayon sa Maguindanao gayong nagbanta na rin ang tropa ng gobyerno na lulusubin nito ang grupo ni Ameril Ombra Kato anumang araw mula ngayon. Ayon sa Kawagib, titindi ang paglabag sa karapatang pantao kung hindi ito mapipigilan.
Maliban sa pagsasanay militar ay maglulunsad rin ng medical mission ang mga tropang kano sa Barangay Tamontaka ngunit ayon sa Kawagib, responsibilidad na umano ng gobyerno ang pagbibigay ng basic social services sa mamamayan at hindi nito dapat iniaasa sa US ang pagbibigay ng serbisyo.
Sa huli ay nanawagan ang grupo kay Pangulong Aquino na tuparin ang pangakong mamamayan ang kanyang boss at sa halip na sumipsip sa US ay unahin nito ang pagpapatupad ng makatotohanang pagbabago at bigyang hustisya ang mga biktima dahil ayon kay Indayla, ang dating islogan ni Pnoy na “kayo ang boss ko” ay tila raw nagbago at sa halip ay naging “Kano ang boss ko”.###
| Attachment | Size |
|---|---|
| on balikatan PR.doc | 31 KB |
Similar entries
- Lumad advocates urge town officials to urgently respond to possible measles outbreak, poor health conditions in Talaingod
- Poetry Concert para sa hustisya sa ika-9 buwan ng Ampatuan Massacre
- “Immediate relief should be given to farmers affected by rice black bug!”-BAYAN-Bikol. Region’s food security also threatened
- Kadamay ginondena ang usbaw sa presyo sa kuryente
- Gloria callous to Mayon residents’ plight!Reports of misdeclaration of relief goods in evacuation centers aired.
- Polyeto: Pagsaka sa Matrikula Atol sa Paglingkod ni Pres. Noynoy, Sugaton Nato og Protesta!
- Pasaka scores AFP-backed pangayaw in Paquibato
- Kadamay, miprotesta batok sa hulga sa demolisyon sa Bangkerohan
- Karampag kan Namamanwaan Kontra sa Kartel kan Petrolyo asin Kainutilan kan Gobyernong Arroyo!
- KAWAGIB kinondena ang pagpatay ng mga tropang kano sa mangingisda sa Basilan, muling nanawagang palayasin ang mga tropang kano sa Mindanao


