Banta ng demolisyon sa kabahayan ng North Harbor, pinalagan ng manggagawa at maralita!

Posted by NCR ESCR
29 Jun 2010
vernacular

Sa araw na ito, Enero 15, 2010 ay ganap ng pribado ang North Harbor- ang pinaka-estratehiko, sentrong pantalan ng bansa at pinagmumulan ng malaking kita ng gobyerno. Sa araw ding ito, itinitindig ng maralita ang kanilang paglaban sa pamamagitan ng pagkakapitbisig at pagbubuo ng “Human Chain” sa kahabaan ng Pier 2 at matapos ay sama-samang nagmartsa sa harap ng opisina ng Philippine Port Authority.

Isinagawa ang Human Chain sa kahabaan ng Road10 sa Tondo, Maynila ng mga residenteng maaapektuhan ng banta ng demolisyon. Kaalinsabay nito, ang martsa ng mamamayan patungong tanggapan ng Philippine Ports Authority.

Naganap ang pirmahan sa pagitan ng Manila North Harbor Port Inc. ( ang joint venture ng Harbour Centre Port Terminal Inc. at Metro Pacific investvent Corporation) at Philippine Port Authority noong Nobyembre 19, 2009.

Nagkakahalaga ng P14.5 bilyong ang gagastusin sa pribatisasyon cum “modernisasyon” para sa imspraktura, pagre-reclaim ng lupa, pagbili ng bagong kagamitan at teknolohiya. Saklaw ng pribatisasyon mula Pier 2, Matrine Slipway hanggang Isla Puting Bato.

Ngunit kapalit ng pagsasapribadong ito ang pagkakatulak sa “balag-ng alanganin” at kawalang kasigurugan sa trabaho ng mga manggagawa, dislokasyon ng kabuhayan at paninirahan ng maralita at ang pagmonopolyo ng kalakalan at serbisyo sa North Harbor.

Sa loob ng 25 taon o higit pa ay pag-aarian na ng MNHPI ang North Harbor. Tiyak na malaking tubo ang kikitain ng grupo nila Regis Romero at Manny Pangilinan sa pagmonopolyo sa serbiyo at kalakalan sa North Harbor.

Sa kabilang banda, apektado ng malawakang tanggalan ang may 5,000 manggagawa at iba pang sektor, kawalang katiyakan sa mga benepisyong natamo sa nakaraang employer, banta sa pagkawala ng mga unyon (tulad ng SMP-UDI atbp) at mga tinatamasang benepisyo.

Ayon kay Mario Escalante ng Kilusang ng Manggagawa sa Komunidad, walang katiyakan ang kinalalagyan ng aming trabaho at seguridad sa trabaho. Sa pagtatapos ng kontrata ng aming employer na umuupa sa North Harbor sa araw na ito (Enero 15, 2010), kaming mga manggagawa ay tila “aanurin, masasalanta at mabibiktima ng isang malakas na unos”. Wala kaming masisilungan kundi ang sama-samang kumilos at ipagtanggol ang aming Trabaho at kabahayan!

Sa mga maralita, ayon sa tagapagsalita ng Tondo Foreshoreland People’s Alliance na si G. Joy Lumawod na may malaking kagyat na epekto ng implementasyon ng pribatisasyon ng North Harbor sa maralita. Sa Isla Puting bato na mayroong 6,000 pamilya o 30,000 indibidwal, na maapektuhan ng dislokasyon ng paninirahan at kabuhayan ng komunidad ng maralita. Naka-amba ring idemolis ang mga maralitang nakatira sa loob ng Pier ( sa pier 2 na may 32 pamilya , collector’s road sa Pier 6 hanggang Pier8 na may 68 pamilya) dahil sa banta ng demolisyon kabilang ang Isla Puting Bato. Apektado din ng dislokayon ang kabuhayan ng mga 2,000 manininda sa loob ng pantalan.

Dagadag pa ni Joy, walang ibang masisilungan ang maralita at mga manggagawa nakatira sa komunidad kundi ang magkaisa at ipaglaban ang batayang karapatan sa paninirahan at kabuhayan at para mabuhay. Hustisya para sa mga nagpapagal at bumubuhay sa bansa! Kabuhayan, Paninirahan at hindi demolisyon! Ito ang kanyang sigaw sa pagtatapos ng programa. ###

Reference: Joy Lumawod/ Mobile Phone: 09305776265